2020 Tokyo Olympics, tuloy pa rin!

Tuloy pa rin ang 2020 Tokyo Olympics na gaganapin sa darating na July 24 hanggang August 9 kasunod sa kumalat na balita na posibleng makansela dahil sa pagkalat ng 2019 novel corona virus sa iba’t-ibang bansa.

Ito ang paglilinaw na inilabas ng organizers ng nasabing paligsahan.

Ayon naman sa International Olympics Committee – nagpapatuloy at puspusan na ang kanilang paghahanda sa naturang event.


Nilinaw rin ng naturang komite, ilalatag nila ang mga regulasyon at patakaran upang maging ligtas ang pagdaraos ng 2020 Tokyo Olympics.

Facebook Comments