Top 3 Most Wanted sa Echague, Isabela, Arestado!

79

Cauayan City, Isabela- Arestado ng otoridad ang itinuturing na Top 3 Most wanted person sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Romnick De Villar, 24 anyos, walang asawa, laborer at residente ng Brgy. Gucab, Echague, Isabela.


Si De Villar ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Michelle Gumpal-Videz ng MTC Echague, Isabela dahil sa kinakaharap na kasong Acts of Lasciviousness.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapag piyansa ng halagang Php12,000.00.

Facebook Comments