2021 budget, pinapagamit para sa back pay ng mga made-demote na nurses

Pinahuhugot ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa 2021 national budget ang pondo ng ‘compensation adjustment fund’ para sa back pay ng mga demoted nurses.

Hinihimok ni Defensor ang Department of Budget and Management (DBM) na kunin sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) ang P29.3 billion compensation adjustment fund ng mga demoted nurses.

Paliwanag ni Defensor, sa ilalim ng batas, ang MPBF ay alokasyon para sa mga contingencies at otorisadong gamitin para sa adjustment sa sweldo, bonuses, allowances, associated premiums, at kaparehong benepisyo ng mga government personnel.


Inirekomenda rin ni Defensor na gamitin para sa salary differential ng mga demoted nurses ang P56.7 billion na savings ng MPBF noong 2020.

Batay sa Nurses Association ng Philippine General Hospital (PGH), sa 1,142 na nurses sa pagamutan ay 823 dito ang may posisyong Nurse II na kinakailangang mabayaran ng back pay na aabot sa P43 million.

Matatandaang noong nakaraang taon, nag-isyu ang DBM ng circular para sa ‘position modification’ ng mga nurse kung saan na-downgrade ng isang rank ang posisyon mula Nurse VII (7) pababa sa Nurse I (1) at inalis naman ang posisyon na Nurse VII.

Facebook Comments