Joma Sison at iba pang lider ng NPA, dapat din managot sa pagkamatay ng magpinsang Absalon – AFP

130

Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nanawagan na sa Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA) na isuko na ang mga miyembro nito na responsable sa pagkamatay ng football player na si Keith Absalon at pinsan nito sa Masbate.

Sa interview ng RMN Manila kay AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo, binigyang-diin nito na kung sinsero ang paghingi ng paumanhin ng NPA ay dapat lang na mapanagot sa ilalim ng batas ang mga miyembro nito.


Sinabi rin ni Arevalo na bukod sa mga gumawa ng karumal-dumal na pagpatay sa magpinsang Absalon, dapat din kasuhan ang mga lider ng NPA tulad ni Joma Sison.

Dahil sa insidente, aminado si Arevalo na malabo na talagang mabuksan pa ang peace talk sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo.

Facebook Comments