Target ng Kamara na maaprubahan at maisumite sa Senado sa October 14 ang ₱4.5 trillion 2021 national budget.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap, bago matapos ang sesyon para sa Undas break sa October 16 ay sisikapin nilang tapusin at maisumite na sa Senado ang 2021 General Appropriations Bill.
Batay sa orihinal na plano ng Kamara, plano nilang tapusin ang budget deliberation hanggang sa katapusan ng Setyembre.
Pero ayon kay Yap, marami pang concerns at isyu sa budget sa mga distrito na kailangan munang tugunan ng Mababang Kapulungan.
Natitiyak naman ni Yap na win-win solution ang kanilang maibibigay sa mga district allocation ng mga kongresista.
Matatandaang pinagtalunan nitong nakaraang linggo ng ilang mga kongresista ang hindi patas na distribusyon ng pondo para sa infrastructure projects ng mga distrito.