Manila, Philippines – Inaasahan na makukumpleto na ang Butuan By-Pass Road pagsapit ng taong 2021.
Ito ang sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar sa isinagawang inspeksyon sa nasabing proyekto ngayong araw.
Ayon sa kalihim, ang proyetong ito, na magsisimula sa Bancasi to Antongalon ay magsisilbing alternatibong ruta para sa mga commuters upang makaiwas sa trapiko sa Butuan.
Magsisilbi ring itong mas mabilis na daan para sa mga tutungo sa Northern at Eastern Mindanao.
Ang proyektong ito ay kinabibilangan ng road opening at upgrading, concrete road widening, asphalt overlay, maging ang pagpapatayo ng tulay at pagpapalawak nito.
Facebook Comments