UMAKYAT | Mga accredited accommodation sa Boracay, nasa 200 na

Aklan – Inilabas ng Department of Tourism ang updated na listahan ng mga accredited na accommodation establishment sa isla ng Boracay.

As of November 16, nasa 211 na ang mga establishimento na compliant sa mandato o guidelines na una nang binalangkas ng Boracay Inter Agency Task Force.

Una nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na malaking bagay ang ginagawang kooperasyon ng mga establishimento sa isla, sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga ito kaugnay sa pagiging pasaway ng mga kapwa nila establisyimento.


Ayon sa kalihim, sa oras na mayroong mga accredited establishment na paulit – ulit na magpasaway, hindi aniya sila magdadalawang isip na bawiin ang ipinagkaloob na accreditation.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 8,793 mga kwarto sa Boracay ang available para sa mga turista

Facebook Comments