2021 national budget, niratipikahan na ng Kamara

Niratipikahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report para sa ₱4.5 trillion na 2021 General Appropriations Act (GAA).

Matapos na maratipikahan ang panukala para sa pambansang pondo ay isusumite na ito agad kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan.

Target ng Kongreso na mapapirmahan sa Pangulo ang 2021 budget bago mag-Pasko.


Sa ilalim ng niratipikahang pambansang pondo ay ₱72.5 billion ang inilaan na pondo para sa procurement ng COVID-19 vaccines na hindi hamak na mataas kumpara sa ₱2.5 billion na original proposal ng Budget Department para sa bakuna.

Aabot naman sa ₱23 billion ang realigned na pondo para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses at Rolly.

Sa kabila naman ng panawagan ng Makabayan na i-realign ang pondo, nananatili namang intact o buo ang ₱19 billion na pondo ng kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Facebook Comments