2021 PBB ng mga guro sa 15 rehiyon, tiniyak na maibibigay ngayong taon ayon sa DBM

Siniguro ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na maibibigay ngayong taon ang 2021 Performance-Based Bonus o PBB ng mga guro sa 15 rehiyon.

Ito ay matapos ang dumaraming panawagan na i-release na ito.

Ayon kay Pangandaman, naghihintay lamang ang DBM central office ng revised Form 1.0 para maibigay ang PBB ng mga guro sa 15 rehiyon sa bansa.


Nitong June 27 ay una nang ini-release ng DBM ang Special Allotment Release Order at ang Notice of Cash Allocation sa Department of Education (DepEd) na aabot sa halagang mahigit P950 milyong para pambayad sa Fiscal Year 2021 PBB ng mga eligible school-based personnel ng DepEd NCR Office.

Ayon sa kalihim, hindi agad naibigay ang PBB nang 15 rehiyon dahil ang isinumiteng Form 1.0 para sa PBB ay ibinalik dahil sa ilang mga concerns.

Kaya ayon kay Pangandaman kapag natanggap na nila ang revised Form 1.0 ay agad nilang ire-release ang pondo.

Facebook Comments