2022 budget, dapat nakatuon sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya

Iginiit ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na dapat nakadisenyo para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya ang pambansang budget sa susunod na taon.

Mainam naman para kay Angara na ang pundasyon para sa tatahaking daan tungo sa ating pagbangon ay nailatag na tulad ng free college, Universal Health Care, at mga programa para sa pagpapa-unlad ng negosyo at pamumuhunan.

Diin ni Angara, kailangan na bilisan ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa dahil mag-e-endo na si Pangulong Rodrigo Duterto o magtatapos ang termino sa susunod na taon.


Pangunahin ding tinukoy ni Angara na kailangang madaliin at pag-ibayuhin ay ang pagbabakuna sa mamamayan laban sa COVID-19, gayundin ang pagtutok sa ligtas na pagbubukas ng mga klase at pagpupursige sa mga programang pang-imprastraktura.

Pahayag ito ni Angara, kasunod ng report na nasa mahigit 5-trillion pesos ang binabalangkas na 2022 budget ng economic managers na mas mataas ng 11.5 percent sa 4.5 trillion pesos na budget ngayong taon.

Facebook Comments