2022 budget ng OVP, nais itaas ng mga senador sa P1-B

Pinuri ng mga senador si Vice President Leni Robredo nang humarap sa deliberasyon ng pondo ng kaniyang opisina sa 2022 kahapon.

Personal na inilahad ng bise presidente ang mga nagawa’t napagtagumpayan ng Office of the Vice President (OVP) kabilang ang mga programang naipatupad sa gitna ng pandemya.

Ikinatuwa ng mga senador ang masinop na pangangasiwa ng OVP sa pondo nito.


Dahil dito, ipinangako ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na irerekomeda niya sa plenaryo na itaas sa P1-bilyon ang pondo ng OVP na sinang-ayunan naman ng iba pang mga senador.

Nabatid na nasa P714.56 million ang hininging pondo ng OVP pero ibinaba pa ito ng Department of Budget and Management (DBM) sa P713.41 million.

Facebook Comments