2022 CHRISTMAS TREE LIGHTING NG RADIO MINDANAO NETWORK, NAGING MATAGUMPAY

Naging matagumpay ang taunang Christmas Tree Lighting ng Radio Mindanao Network ngayong taon.
Sabay sabay na pinailawan ang mga Christmas Tree ng lahat ng mga AM/FM Radio Stations ng RMN kung saan tinatayang nasa 65 strong stations ang mayroon ang kumpanya.
Tinampukan pa ito ng mga palaro at singing contest kung saan bilang gantimpala sa mga nagsipagwagi ay matatanggap ng mga nanalo ang mga cash prizes at noche buena package.

Samantala ang Christmas Lighting sa Dagupan City 104.7 iFM Dagupan ay pinangunahan ng station manager na si Idol Mark Gemson Espinosa kasama ang mga staff nito.
“Ningning ng Pasko” naman ang naging tema ng aktibidad na ito ngayong taon. |ifmnews
Facebook Comments