Target ng Senado na pagsapit ng November 9 ay maisumite na sa plenaryo ang mahigit P5-trilyon na panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Inihayag ito ni Senator Sonny Angara na siyang Chairman Committee on Finance.
Sabi ni Angara, November 10 naman ay sisimulan na nilang mga senador ang mahigpit na pagbusisi sa plenaryo sa panukalang pondo para sa mga ahensya ng gobyerno sa 2022.
Nauna nang tiniyak ni Angara na ang magiging bersyon ng Senado ng 2022 national budget ay tunay na makakatugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Angara, pangunahin nilang sisiguraduhin na mapopondohan ang mga benepisyo para sa health workers at pagpapalakas sa sektor ng kalusugan gayundin ang social proteksyon programs o pagtulong ng pamahalaan sa mga mahihirap.