2022 National Election Campaign, nakatulong sa paglago ng GDP growth rate ng Pilipinas ayon sa isang economic expert

Isa sa rason nang pagpalo sa 7.6% ang GDP growth rate ng bansa noong isang taon ay dahil sa ikinasang 2022 national election campaign.

Ayon kay RCBC Chief economist Michael Ricafort, simula noong election period ay kitang kita ang election-related spending na nakadagdag sa pag-akyat ng GDP growth rate ng Pilipinas noong 2022.

Maliban sa election campaign, nakatulong din sa magandang ekonomiya sa pagtatapos ng taon ang pagluwag ng restriksiyon maging ang paglakas ng turismo.


Batay pa sa datos na ibinahagi ni Ricafort, mula Pebrero nang nakaraang taon ay nasa 2.6 million tourists ang pumasok sa bansa kaya nasa ₱3.8 Billion ang pumasok na kita.

Hindi lamang aniya ang international tourism ang sumigla maging ang domestic tourism.

Nakadagdag din sa pagtaas ng GDP growth rate ang pagbubukas ng klase nang nakaraang taon.

Facebook Comments