Higit 40 sakay ng lumubog na motorbanca sa Palawn, naligtas ng PCG

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 41 pasahero at 5 crew ng motorbanca na lumubog sa karagatan sakop ng Caboang Bay, Barangay Salang, Balabac, Palawan.

Sa inilabas na pahayag ng PCG, papunta sana ng Buliluyan, Palawan ang motorbanca na JATROPHA ng masira ang gilid nito dahil sa lakas ng alon.

Agad na nagkasa ang PCG ng search and rescue (SAR) operations matapaos matanggap ang ulat.


Nasa ligtas naman na kalagayan ang mga pasahero at crew kung saan sinuri ang kanilang kalagayan saka binigyan ng iba pang tulong pagsapit sa Barangay Salang.

Bukod dito, nahatak na rin ng PCG ang naturang motorbanca sa nasabing barangay at isinasailalim na ito sa imbestigasyon.

Facebook Comments