Sisimulan nang talakayin sa Martes, September 21 ang panukalang 2022 national budget.
Ito ay matapos ang dalawang linggong pagdinig sa pondo ng mga ahsensiya kung saan isinasapinal na ng Kamara ang Committee Report para sa 2022 General Appropriations Bill.
Ayon kay House Appropriations Committee Chair Eric Yap, walang gagawing amyenda ang komite sa isinumiteng National Expenditure Program (NEP) at nakadepende na sa plenary deliberations ang mga pagbabagong ipatutupad.
Sakaling mapagtibay ang committee report ay saka maghahain ng formal request si Yap sa Office of the President na i-certify as urgent ang budget bill.
Ito ay para maipasa ng Kamara ang 2022 budget sa 3rd reading sa September 30, bago ang nakatakdang break ng Kongreso sa October 1.