2023 BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIPS TRYOUTS, MULING BINUKSAN

Muling nagbukas ang ‘try outs’ sa ating lungsod ng Pangasinan para sa 2023 Batang Pinoy national championships.
Ang Batang Pinoy ay ang national youth sports competition ng mga kabataan ng Pilipinas para sa mga atletang wala pang edad 15 years old pataas.
Base sa datos, umabot sa 4,333 ang kabuuang bilang ng mga batang atleta na nagpamalas ng kanilang galing at kakayahan sa dalawampung (20) sporting events gaya ng Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Basketball, Beach Volleyball, Boxing, Chess, Cycling, Dance Sports, Futsal/Football, Karatedo, Lawn Tennis, Pencak Silat, Sepak Takraw, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Wrestling at Wushu na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen, Manaoag National High School at Nantangalan Elementary School sa bayan ng Pozorrubio.

Samantala, ayon sa Provincial Community Development and Training Office, ilalabas nila sa susunod na araw ang pinal na listahan ng mga nakapasang mga batang atleta sa try outs.
Matatandaan na ang Batang Pinoy National Championships ay ginanap sa Vigan City, Ilocos Sur noong nakaraang taon, kung saan ang Pangasinan ay namayagpag sa sports na chess, archery, cycling, swimming at table tennis kung kaya’t nakapag-uwi ang lungsod ng 15 gold, 13 silver at 14 bronze medals. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments