DALAWA KATAO, KRITIKAL SA PANANAKSAK SA BAYAN NG MABINI

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa katao matapos silang pagsasaksakin sa bayan ng Mabini.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Nona Faye Agosto, ang may ari ng farm kung saan nagtatrabaho ang suspek at isang katiwala na nakilalang si Enrico Caboteja habang ang suspek ay nakilalang si Louie De Vera, mga residente ng Barangay San Pedro sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pananaksak habang mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto si Agosto ng biglang pumasok sa kwarto nito ang suspect at agad itong pinagsasaksak.

Nakahingi pa ng tulong ang biktima at sinubukan namang saklolohan ni Caboteja subalit maging ito ay pinagsasaksak din.
Nagtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang naaresto sa Follow Up Operation ang suspect sa bahagi na ng bayan ng Dasol.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa motibo nito ng pananaksak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments