2023 BUDGET NG PWD CAUAYAN, PINAPLANO NA

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang magsagawa ng pulong ang Person with Disability Affairs Office o PWD Center ng Lungsod ng Cauayan para sa 2023 budget ng nasabing tanggapan.

Ayon kay Ginoong Jonathan Galutera, PWD Officer ng Cauayan City, posibleng isagawa sa ikalawa o ikatlong Linggo ngayong buwan ng Hunyo ang pagpupulong kasama ang ahensya ng DepEd, City Engineering Office at iba pang mga katuwang na ahensya para pag-usapan ang pondo at mga plano para sa taong 2023.

Sinabi ni Galutera na wala pa itong ideya kung magkano ang ilalaang pondo ng LGU Cauayan para sa hanay ng PWD. Nakadepende kasi aniya ang halaga ng kanilang pondo sa Internal Revenue Allotment o IRA ng lokal na pamahalaan.

Nasa P6 million and 25,000 pesos nam ang pondo ng PWD Cauayan ngayong 2022 subalit sinabi ni Galutera na hindi ito sapat para sa kanilang mga programa at pangangailangan ng mahigit tatlong libo na may kapansanan sa Lungsod.

Umaasa naman ang PWD Officer na madadagdagan pa ang kanilang pondo para maisakatuparan ang kanilang mga plano at programa para sa mga PWD members.

Samantala, hinihikayat ang iba pang miyembro na wala pang PWD ID na kumuha na para magamit sa pagpapagamot, check-up at sa iba pang transaksyon na maaaring maka-discount.

Facebook Comments