Higit 2,000 doses ng COVID-19 Pfizer vaccine para sa mga bata, dumating na sa bansa

49

Dumating na sa bansa ang 2,400 doses ng COVID-19 Pfizer vaccine na gagamitin para sa mga bata.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang mga bakuna ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-utang sa World Bank.

Sa kabuuan ay nasa 245,233, 560 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang natanggap ng bansa mula pa noong Pebrero 2021 kung saan nasa 150 milyon sa mga ito ang nagamit na.


Nauna na ring iniulat ng Department of Health (DOH) na mahigit 70 milyon na ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Facebook Comments