Friday, February 27, 2026

2025 Chairman’s Report ng Pag-IBIG Fund, isinagawa ngayong Biyernes

Opisyal nang nagsimula ang event ng Pag-IBIG Fund na 2025 Chairman’s Report sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Layon nitong iulat sa publiko lalo na sa members ng Pag-IBIG ang performance ng ahensiya sa nakalipas na taon kabilang ang dividend rates na inaabangan ng bawat miyembro kada taon.

Ayon sa Pag-IBIG, pumalo sa mahigit P160 billion ang savings ng mga miyembro na mas mataas ng 21 percent mula sa nakalipas na taon.

Pinakamataas din anila ito na naitala sa kasaysayan ng ahensiya.

Samantala, pumalo naman sa mahigit P83 billion ang naitalang savings sa Modified Pag-IBIG II o ‘yung MP2.

Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling na dahil sa magandang koleksiyon ay nananatiling mababa ang interest rates para sa Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Present sa event na ito ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Facebook Comments