2025 national budget, target na lagdaan ni PBBM sa Dec. 19 –Sen. Poe

Target umano na lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ₱6.352 trillion na 2025 national budget sa December 19.

Ito ang naging tugon ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe bago maisalang sa bicameral conference committee ang 2025 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Poe, nakakasunod pa naman sila sa schedule para bago mag-Pasko ay malagdaan na ni Pangulong Marcos ang pambansang pondo.


Umaasa ang mambabatas na hindi naman hahantong sa deadlock ang pagtalakay nila sa budget ngayong binuksan na ang pagtalakay rito ng BiCam dahil nakahanda naman sila sa Senado na pakinggan ang panig ng mga kongresista ukol sa mga pagkakaiba sa items ng budget.

Sinabi pa ni Poe na may mga pagkakataong kailangan nilang magsakripisyo at maging bukas na makipagkompromiso o magkasundo para matupad ang hangarin na maipasa ang budget bago matapos ang taon.

Facebook Comments