Nanawagan ang mga pari na kinaaaniban ng Diocese of Cubao sa sambayanang Pilipino at pamahalaan na magkaisa para magkaroon ng isang diwa ang pamayanan.
Ito ay sinabi ng mga kaparian sa ginanap na paglulunsad ng Clergy for Good Governance sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao Quezon City.
Ayon kay Fr. Tony Labian, humarap na sila sa media dahil hindi sila maaaring tumahimik na lamang at hindi pakinggan ang nangyayaring paghihirap ng mamamayan.
Aniya, may 12 obispo at 211 na pari nationwide na pumirma sa isang statement para magsama-sama para magkaroon ng isang tahimik, humane Philippine Society, pagbabago, katotohanan at hustisya.
Sinabi naman ni Fr. Robert Reyes na kailangan ding magsalita mamamayan at huwag manahimik lamang dahil kung walang pakikialam ang pamayagan ay walang good governance.