205.27 million dolyar, nalikom ng LandBank sa Retail Dollar Bond

Aabot sa 205.27 million dolyar o katumbas ng mahigit P10 bilyon ang nalikom ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) mula sa maiden Retail Dollar Bond (RDB) patungong Bureau of the Treasury (BTr).

Mapupunta ito sa proyektong pang-imprastruktura at pagpapalakas ng health services sa bansa na naapektuhan ng COVID-19.

Sa kabuuang RDB sales ng LandBank, 95 million dolyar o mahigit P4-B ang inilaang rate-setting auction sa launch event na ginanap nitong September 15.


Ang LandBank ay isang Joint Lead Issue Manager para sa issuance ng RDB.

Facebook Comments