Pinsala ng Bagyong Maring sa agrikultura, umabot na sa P2.26 billion

83

Umabot na sa P2.26 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura na naidulot ng Bagyong Maring.

Batay sa huling datos ng Department of Agriculture (DA), partikular itong naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Soccsksargen.

Samantala, nasa mahigit 105,000 metric tons ng produksyon sa bansa ang nawala at mahigit 800,000 agricultural areas ang napinsala dahil sa bagyo.


Mahigit 79,000 magsasaka naman ang naapektuhan ang kabahayan.

Sa ngayon, sumampa na sa 24 ang kumpirmadong nasawi sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring kung saan batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay hiwalay pa ito sa 17 napaulat na nasawi dahil sa bagyo na inaalam pa ng ahensiya.

Facebook Comments