2,050 pang mga Pinoy na nawalan ng trabaho sa Middle East at Asya, dadating ngayong araw sa bansa

Walong batch ng Filipino repatriates ang dadating sa bansa ngayong araw matapos na mawalan ng trabaho sa abroad dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay may kabuuang bilang na 2,050 at kinabibilangan ng 300 repatriates mula Riyadh, KSA via Saudia Airlines flight SV 862 na dadating alas-2:00 ng hapon.

Gayundin ang 250 Pinoy repatriates mula Abu Dhabi, UAE via Etihad Airlines flight EY 424 na dadating din ng alas-2:00 ng hapon.


250 repatriates mula Dubai, UAE via Emirates Airlines flight EK 332 na dadating ng alas-4:00 ng hapon.

250 repatriates mula Dubai, UAE via Cebu Pacific flight 5J 19 with ETA na lalapag bago mag-alas-5:00 mamayang hapon.

250 repatriates mula Thailand via Philippine Airlines flight PR 731 na lalapag ng alas-6:00 mamayang gabi

250 repatriates mula Jeddah, KSA via Saudia Airlines flight SV 870 na dadating ng alas-9:00 mamayang gabi.

250 repatriates mula Qatar via Qatar Airways flight QR 28 na lalapag bago mag alas-10:00 mamayang gabi.

At ang huling batch ay 250 repatriates mula Korea via Asiana Airlines flight OZ 703 na dadating pasado alas-10:00 mamayang gabi.

Facebook Comments