206, 600 DOSES NG JANSSEN VACCINES, DUMATING NA SA ILOCOS REGION

ILOCOS REGION – Dumating na ang 206, 600 na doses ng bakunang Janssen na gawa ng Johnson & Johnson sa Ilocos Region na mula sa donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ito ang kauna-unahang suplay ng naturang bakuna na natanggap ng rehiyon mula sa ika-16 na batch ng COVID-19 Vaccine nang magsimula ang vaccination roll out.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD1, gagamitin ito para sa mga A1 at A3 eligible group ng apat na probinsya sa rehiyon.


Dahil sa compliance ng rehiyon sa Cold Chain Requirement ng Janssen Vaccine isa ang rehiyon sa maswerteng nabigyan ng suplay nito.

Una ng inilarawan ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, na game changer ang Janssen Vaccine dahil sa pagiging single dose at isinailalim sa testing laban sa UK, Brazilian at South African variant at inaasahan na mabisa rin sa Delta variant.

Samantala, maliban sa Janssen Vaccine nasa 5, 100 na doses ng Astrazeneca at 2, 120 doses ng Sinovac ang natanggap ng Ilocos Region.

Facebook Comments