206 Frontliners sa Tuguegarao City, Infected ng COVID-19 virus

Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 206 frontliners sa Tuguegarao City ang infected ngayon ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Jefferson Soriano, 192 ang healthcare workers na tinamaan ng virus, 13 ang kabilang naman sa Philippine National Police at isa sa hanay ng Bureau of Fire Protection.

Sinabi pa ni Soriano na isang malaking kawalan sa ospital ang mga healthcare workers na infected ng virus maging sa kanilang molecular laboratory dahil nagkaroon ng pagkaantala sa paglalabas ng resulta ng mga taong sumailalim sa pagsusuri kontra COVID-19 dahil sa kanilang sitwasyon.


Nahihirapan din aniya sila sa pamamahala sa kanilang 8 malalaking isolation unit kung saan maraming pasyente ng COVID-19 ang nananatili pa rin sa labas ng Cagayan Valley Medical Center gamit ang told ana pansamantalang silungan ng mga ito.

Bukod dito, nasa 1,316 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na pitong (7) araw kung saan ayon pa kay Soriano ay hindi na bumababa ng less than 100 ang transmission.

Sinabi rin ng alkalde na nakapagtala na sila ng apat na death case sa loob lamang ng isang araw kung saan kahapon, August 23 ng maitala ang 12 death case.

Sa kasalukuyan ay extended pa rin ang ECQ status ng Tuguegarao City sa loob ng pitong (7) araw.

Samantala, umapela rin si Soriano kay Pangulong Duterte na mabigyan ng cash aid ang mga residenteng nakasailalim sa lockdown gaya ng ginawa ng national government sa Metro Manila at mga kalapit na bayan at siyudad.

Tanging food packs lang ang naipapamahagi ng LGU sa kanilang mga kababayan katuwang ang DSWD.

Facebook Comments