207 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ang 207 bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Marso 25.

Dahil dito, umabot na sa 4,079,992 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pero lalo pang bumaba ang bilang ng active cases na ngayon ay nasa 8,596 na lang matapos na karagdagang 215 pasyente ang gumaling sa sakit.


Anim naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi para sa kabuuang 66,322.

Sa National Capital Region pa rin naitala ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na nasa 650, sinundan ng Davao Region na may 312; Calabarzon, 247; Northern Mindanao, 235; at SOCCSKSARGEN, 174.

Facebook Comments