Pag-uunawaan ng bawat isa, isa sa mga natalakay sa ginanap na “Global Women Who Rule” summit

Naging sentro sa ginanap na 3rd Global Women Who Rule (GWWR) Summit ang kahalagahan ng pag-uunawaan ng bawat isa.

 

Sa kanyang mensahe bilang isa sa profiles sa summit, sinabi ni RMN Networks Executive Vice President at COO Erika Canoy-Sanchez na mahalaga rin ang pag-uunawa sa mga taong nakapaligid sa atin.

 

Ipinagmalaki rin ni Ms. Erika na ang RMN Networks ay pinamumugaran ng mga matitibay na mga kababaihan.


 

Umaasa rin si Ms. Canoy-Sanchez na ngayong ipinagdiriwang ang International Women’s Month ay malayang nakakapaghayag ng kanilang saloobin ang mga kababaihan lalo na sa social media.

 

 

Ang RMN Networks ay kabilang sa media partners ng Global Women Who Rule.

Facebook Comments