20M NA HALAGA NG SOLAR POTABLE WATER SYSTEM, HANDOG SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Handog sa bayan ng San Nicolas ang dalawampung milyong pisong halaga ng proyektong Solar Potable Water System particular sa mga residente ng Brgy. San Felipe East at Brgy. San Felipe West.
Ito ay upang tugunan ang problema sa komunidad na kahirapan ng suplay sa patubig.
Walang babayaran sa konsumo ng kuryente ang nasabing water system na inihahanda nang maumpisahan. Mababa rin ang gastos sa mga magiging maintenance nito.

Layon ng nasabing proyekto na matiyak ang ligtas at malinis na suplay ng tubig para sa kaligtasan ng mga residente sa nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments