MAGSASAKA, PATAY MATAPOS MAGULUNGAN NG MAKINANG GINAGAMIT HABANG NAG AANI SA BAYAN NG UMINGAN

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang singkwentay kwatro anyos na magsasaka matapos itong magulungan ng harvester o yung gamit sa pag – aani ng palay sa bayan ng Umingan.
Ang biktima ay nakilalang si Zaldy Silapan residente ng nasabing bayan.
Naganap ang aksidente sa kasagsagan ng pag-aani ng biktima kasama ang driver ng harvester at isang kasamahan nito pahinante sa Barangay Fulgusino.

Katatapos lang mag ani sa kabilang bukid ang tatlo at ng lilipat na sana sila sa kanilang bukid ay dito na nagkaroon ng mechanical problem ang nasabing makina.
Dito na tumalon ang biktima mula sa makina subalit sa kasamaang palad ay nagulungan ng nasabing harvester.
Inabot pa ng ilang sandali bago natanggal ang katawan nito mula sa harvester at nang dalhin sa pagamutan ay namatay habang ginagamot dahil na din sa matinding pinsala sa katawan na tinamo nito. |ifmnews
Facebook Comments