21-anyos na Babae, Huli sa Kasong Human Trafficking sa Isabela!

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang isang 21 taong gulang na babae na itinuturing na Top 2 most wanted person Provincial level sa ikinasang manhunt bravo sa District I, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Ericka Eunice Balmores, walang asawa, at residente ng naturang barangay.

Bagamat sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Lungsod ay hinuli pa rin si Balmores sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom nahaharap sa kasong Reymundo Aumentado, ng RTC Br 20 Cauayan City, Isabela.


Nahaharap sa kasong dalawang (2) beses na Qualified Human Trafficking si Balmores.

Nasa pangangalaga ng pulisya ang akusado at posibleng hindi na makalabas ng kulungan dahil walang kaukulang piyansa ang kanyang kaso.

Facebook Comments