Angel Locsin at Neil Arce, negatibo sa COVID-19

Negatibo ang resulta ng COVID-19 tests ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Sa kanyang Instagram stories, ipinost ni Angel ang resulta ng COVID-19 test nila ng fiancé.

Nakalagay sa kanyang caption: “COVID free” kung saan makikita ang dalawang COVID-19 rapid test kits na may nakalagay na “Neil” at “Gel.”


Bagamat hindi sinabi ni Angel kung kailan sila nagpa-test ni neil, ibinahagi rin ng aktres ang magandang balitang ito sa kanyang official Facebook page.

Na-expose sa virus sina Angel at Neil dahil sa proyekto nilang #UniTENTweSTANDph campaign, kung saan lumikom sila ng pondo para sa pagsi-setup ng tents na pansamantalang matutuluyan ng medical staff, doctors, nurses at iba pang frontliners laban sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments