21-anyos na babae patay dahil sa pananakit ng kanyang live-in partner

43

Malinao, Aklan – Mahaharap sa kasong homicide ang isang 33-anyos na lalaki matapos nitong mapatay ang kanyang live-in partner sa Brgy. Lilo-an, Malinao, Aklan kahapon ng madaling araw. Nakilala ang biktima kay Nicole Anne Rosal, 21-anyos ng nasabing barangay pero kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Roque sa nasabing bayan habang ang kanyang live-in partner ay kinilalang si si Francis Inamac, 33 anyos. Ayon sa report na nangyari ang insidente kahapon ng madaling araw sa loob mismo ng kanilang bahay at nasaktan ng suspek ang biktima. Dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng doktor. Naunang inihayag ng suspek na nag suicide ang biktima matapos ang kanilang pag-aaway pero may nakakita na pamilya ng biktima sa totoong nangyari. Lumabas rin sa autopsy report na nagtamo ito ng fracture at blood clot sa ulo, mga pasa sa katawan ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito. Sa panayam ng news team sa suspek ay mariin nitong pinabulaanan na siya ang pumatay sa biktima. Sa ngayon ay naka piit ang suspek sa lock up cell ng Malinao MPS habang inihahanda na ang kaso.

Facebook Comments