Malinaw at up-to-date vaccination information, susi sa matagumpay na kampanya sa pagbabakuna

44

Dapat maipaabot sa ating mga kababayan ang mga tamang detalye at impormasyon kung paano at saan sila maaaring pumunta at ano ang dapat nilang ihanda para makapagpabakuna.

Sabi ni Senator Grace Poe, ito ang susi para maging matagumpay ang 3-day national vaccination drive at ang kabuuang vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Giit ni Poe, kahit maganda ang layunin ng “Bayanihan Bakunahan” pero malabo naman ang paghahatid ng mensahe, ay lalo lamang ito magdudulot ng agam-agam sa pagbabakuna.


Paliwanag pa ni Poe, habang ang siyensiya ukol sa bakuna ay maliwanag, ay hindi pa rin ito ganap na maunawaan ng mga mamamayan kung hindi magiging klaro ang pagpapalaganap.

Diin ni Poe, Inaasahan ng publiko na ang pamahalaan ang siyang mangunguna sa pagpapatupad ng maayos at sistematikong bakunahan.

Facebook Comments