21 APLIKANTE, AGAD NATANGGAP SA TRABAHO SA JOB FAIR SA BAYAMBANG

Umabot sa 21 aplikante ang agad na natanggap sa trabaho sa isinagawang job fair ng Public Employment Service Office (PESO) nitong Nobyembre 17 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park sa bayan ng Bayambang.

Dinaluhan ang aktibidad ng pitong lokal na employer at dalawang overseas employer na nagbukas ng iba’t ibang oportunidad para sa mga Bayambangeño.

Umabot sa 82 ang bilang ng mga indibidwal na sumubok mag-apply, ayon sa tala ng PESO.

Patuloy na hinihikayat ng PESO ang publiko na samantalahin ang ganitong mga programa upang mapalawak ang oportunidad sa trabaho, lokal man o international.

Facebook Comments