Kinumpirma ng Municipal Agriculture ng Binmaley Pangasinan na nagpositibo sa African Swine Fever ang blood sample na kinuha sa Barangay Linoc sa bayan.
Kaya naman agad na idinaan sa culling operation ang 21 natitirang alagang baboy ng hog raiser na unang nakitaan na apektado ng ASF.
Ayon kay Hernando Hernandez, Municipal Agriculture ng Binmaley, mula sa 30 blood sample apat dito ang nagpositibo na apektado ng virus.
Sinabi Nito na hindi na sila magpapatupad ng 1-7-10 kilometer ngunit strict surveillance ang ipapatupad sa barangay manat, canaoalan, calmay at carael upang walang mailabas na baboy.
Magasasagawa namang ng blood sampling ang ahensya sa ilang barangay ng bayan upang masigurong hindi na kakalat ang ASF.
Aabot sa higit 300 baboy ang nasa nasabing barangay na mahigpit na babantayan ng ahensya.
Nakatakda namang magbigay ng ayuda ang local government at ng provincial government ng Pangasinan at 5, 00 naman mula umano sa Department of Agriculture.
###
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>
21 Baboy isinailalim sa culling matapos magpositibo sa ASF ang mga alagang baboy sa Brgy. Linoc Binmaley Pangasinan
Facebook Comments