Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 21 pasilidad nila ang napinsala sa pananalasa ng Bagyong Karding.
Gayunman, nilinaw rin ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na minor damages lamang ang tinamo ng kanilang mga pasilidad sa mga lugar na tinamaan ng super typhoon.
Tiniyak din ni Vergeire na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga tauhan mula sa naturang mga lugar para mapabilis ang pagsasa-ayos ng facilities at hindi madiskaril ang pagbibigay-serbisyo sa publiko.
Nilinaw rin ni Vergeire na walang mga bakuna kontra COVID-19 ang napinsala ng pananalasa ng Bagyong Karding.
Facebook Comments