PBBM, malaki ang tiwala sa bagong talagang executive secretary

95

Trusted at qualified bilang bagong executive secretary si Former Chief Justice Lucas Bersamin.

Ito ang sinabi ni Press Sec. Trixie Cruz Angeles sa press briefing sa Malacañang.

Aniya, malaki ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Bersamin lalo na’t nanungkulan ito sa Hudikatura sa mahabang panahon.


Malawak din aniya ang kaalaman at karanasan ng bagong executive secretary pagdating sa mga paper works.

Una nang sinabi ni Angeles na nanumpa na sa harap ni Pangulong Marcos si Executive Secretary Bersamin at dumalo na rin sa ika-siyam na pagpupulong ng gabinete ng Marcos Administration.

Facebook Comments