21 Empleyado ng Cityhall na nakasalamuha ni CV823, Negatibo sa Swab test

Cauayan City, Isabela- Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 ang 21 empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan matapos magkaroon ng direct contact sa isa nilang kasamahan sa trabaho.

Ayon kay Dra. Pinky Purugganan, City Health Officer, patuloy naman ang kanilang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 12 iba pang empleyado na nagpositibo sa virus.

Aniya, contained na ngayon ang sitwasyon ng unang nagpositibong empleyado ng city hall na si CV 823.


Wala namang naitalang naidagdag sa mga positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong araw habang nakarekober na sa sakit si CV571 at CV644.

Samantala, nagpositibo rin sa virus ang isang estudyante ng pribadong paaralan na kasalukuyan ng nagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha din nito.

Sa ngayon ay nananatili sa 25 ang aktibong kaso ng virus sa siyudad habang pansamantalang isinara ang city hall para sa disinfection.

Facebook Comments