Tuesday, January 20, 2026

21 na mga baril ni dating Sen. Bong Revilla, isinuko rin ayon kay SILG Remulla

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni SILG Jonvic Remulla na isinuko na rin ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla ang 21 nitong baril kasabay ng kanyang pagsuko kagabi sa tanggapan ng PNP.

Kinumpirma ni Remulla na 7 na long at 14 na short firearms ang isinuko ng nasabing Senador.

Ayon kay Remulla, hindi na entitled si Revilla na magmay-ari at gumamit ng nasabing mga baril dahil sya naman ay made-detained.

Dagdag pa ni Remulla , kung hindi ito isusuko ng senador magiging mapanganib pa ito sa kanya lalo na sa pagri-raid ng mga loose firearms.

Kaugnay nito, dahil sa naging pasya ng Sandiganbayan ,pansamantalang ikukulong ang dating senador sa Quezon City Jail Dormitory.

Facebook Comments