Dalawa sa bawat sampung Pinoy Facebook users ng nakakaranas ngayon ng harassment.
Ito ang lumabas sa Human Rights Impact Assessment (HRIA) ng independent research agency na Article One.
Base sa kanilang pag-aaral, 49% ng kanilang respondent ang nakaranas ng dox o pagpapakalat ng maseselang impormasyon sa publiko upang makapaghiganti.
Nakaranas naman ang 25 percent ng respondents ng physical violence habang 9% ang nakatanggap ng death threats at 3% ang nakatanggap ng rape threats.
Lumabas din sa pag-aaral na 81 percent sa mga bullying incident ay nagaganap sa internet habang 18% sa labas ng cyberspace.
Ayon sa research agency, kadalasang nagiging target ng mga ganitong uri ng harassment ay ang mga journalists, mga tumutuligsa sa gobyerno, human rights defenders, miyembro ng LGBTQ+ community, alleged drug users at mga Tsino.
Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa 32 indibidwal at ang pagpapasagot ng survey sa 2,000 Facebook users sa bansa.