21-pesos na umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa NCR – ipapatupad na ngayong araw

Manila, Philippines – Simula ngayong araw, October 5 epektibno na ang 21 pesos na umento sa mga minimum wage earner sa pribadong sektor sa Metro Manila.

Tinukoy ng regional tripartite wages and productivity board-national capital region na ang minimum na sahod para sa non-agriculture workers ay tatanggap na ng 512 pesos mula sa dating 491 pesos bilang kanilang arawang sahod.

Ang mga manggagawa naman sa agrikultura, retail at service establishment na may hindi bababa sa 15 na empleyado at ang mga nasa manufacturing establishment na may hindi bababa sa 10 ang mga manggagawa ay tatanggap na ng bagong minimum wage rate na 475 pesos.


Hindi naman sakop ng bagong wage order ang mga kasambahay at mga manggagawa sa barangay micro business enterprises na may certificate of authority.

Pinapayagan din na hindi tumalima sa bagong wage order ang mga establisyimentong nagkakaproblema at ang mga naapektuhan ng kalamidad.

Ang wage order no. NCR-21 ay magkakabisa labing limang (15) araw makaraan itong malathala sa isang pahayagan na may national circulation nuong September 20.

Facebook Comments