DOTr, puputulin na ang 3.8 billion pesos na maintenance contract ng MRT sa Buri

Manila, Philippines – Puputulin na ng Dept. of Transportation ang P3.8 billion na maintenance service contract ng MRT 3 sa maintenance provider na Busan Universal Rail Incorporated o BURI.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Rail Cesar Chavez, may utos na si Secretary Arthur Tugade na i-terminate na ang kontrata sa buri dahil sa madalas na pagkakaroon ng aberya sa MRT 3.

Bukod sa halos araw-araw na aberya – sinabi ni Chavez na bigo rin ang maintenance service provider na makasunod sa mga nakasaad sa kontrata.


Inihalimbawa nito ang pag-overhaul at rehabilitate ng buri ang apatnaput’ tatlong lumang tren ng MRT-3 pero, hanggang sa ngayon dadalawa pa lamang ang naisasaayos nito.

Facebook Comments