21 Pinoy seafarers na inilikas mula Ukraine, uuwi na sa Pilipinas sa Martes

Inaasahang darating na sa bansa sa Martes ang 21 Filipino seafarers na inilikas mula sa isang barko sa Odessa, Ukraine sa gitna ng mga pag-atake ng Russia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), crew members ng MV S-Breeze ang mga naturang seafarers.

Nakatawid na sila sa border ng Moldova noong Pebrero 27 at sa Romania noong Marso 1.


Ayon pa sa DFA, nakarating na rin sa Moldova ang 13 iba pang mga Pinoy seafarers at naghihintay na lamang ng kanilang repatriation.

Facebook Comments