21 miyembro ng PMA, kabilang sa PMA Cavalier awardees 2021

130

Mayroong 21 na nagtapos sa Philippine Military Academy ang napabilang sa PMA Cavalier Awardees 2021.

Ito ang inihayag ni PMA Spokesperson Major Cheryl Tindog.


Aniya, kabilang sa PMA Cavalier awardees ngayong taon ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff Lt. Gen Cirilito Sobejana, Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Cavalier Rolando Bautista, at Cavalier Carlito Galvez.

Ayon kay Tindog, bukas isasagawa ang awarding ceremony sa gaganaping PMA Alumni Homecoming sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Una nang inihayag ni Tindog na pinayagan ng IATF at Baguio LGU na makapagsagawa ng taunang PMA alumni homecoming pero maximum na 30 percent attendance lang pinayagan.

Facebook Comments