Manila LGU, bumuo na ng COVID-19 vaccine action center

23
Photo Courtesy: Manila PIO

Bumuo na ang Pamahalaang Lokal ng Maynila ng COVID-19 Vaccine Action Center o MCVAC.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na layon nito na mapabilis ang pagpaparehistro ng mga indibidwal na nais magpabakuna at para tumanggap ng mga katanungan hinggil sa pagbabakuna.


Sila rin ang hahawak sa mga maiuulat at referral ng adverse events sa mga nabakunahan na.

Naghahanda rin ang Manila Health Department (MHD) ng information campaign para mahikayat ang mamamayan na magpabakuna.

Binubuo na rin ng MHD ang master list ng mga priority groups, o ang mga uunahin na mabakunahan.

Facebook Comments