Ang mga prosthesis ay mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Cagayan Chapter, Handicapable Association of Cagayan, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Tahanang Walang Hagdan sa ilalim ng “Physical Restoration Program” ng PSWDO.
Ito rin ay bahagi ng ika-44th selebrasyon ng National Disability and Rehabilitation Week kamakailan na ginanap noong Hulyo 17-23, 2022.
Sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Provincial Public information Office, nasa kabuuang 38 indibidwal ang nakatakdang tumanggap ng prosthesis at nasa 21 pa lamang ang nakakuha.
Mayroon namang 13 ang hindi nakadalo sa awarding, habang may dalawang ‘for reconstruction’ dahil sa size problem habang may dalawang benipisaryo naman ang namatay na.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang mga benepisaryo sa kanilang natanggap na prosthesis.
Pinasalamatan din ni PSWDO Head Helen Donato, ang mga stakeholder lalung-lalo na si Governor Manuel N. Mamba para sa kanyang walang sawang suporta sa sektor ng mga may kapansanan maging ang PCSO Cagayan Chapter na naging daan upang maging matagumpay ang naturang aktibidad.
Samantala, may 83 PWDs naman ang sumailalim na sa assessment na mabibigyan ng prosthesis ngayong darating na Nobyembre.