Ginagamit na ng lahat ng mga Local Government Unit (LGU) sa buong bansa ang 21 Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) laboratories para sa COVID-19 testing.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, welcome development ito sa mga local chief executives na dati ay Marikina City lamang ang mayroon nito.
Sabi ng kalihim, lahat ng mga laboratoryo ay pumasa sa 5-stage Department of Health (DOH) criteria bago binigyan ng lisensya para makapagsimula ng testing.
Samantala, 14 sa mga laboratory ay nasa Luzon, tatlo sa Visayas at apat sa Mindanao.
Bukod dito, mayroon 20 iba pang sumasailalim sa assessment ng DOH.
Sa ngayon, mayroon nang 130 public at private licensed COVID-19 testing laboratories sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.